Petix :)

November 5th, 2008

Urbandubin' Abrelata

Pinahiram ako ng kaklase ko nung album ng urbandub na Under Southern Lights.

Wala lang. :p

Soundtrip lang ako with matching emote.

Hahahaha =))

" alt="Urbandub rocks my socks! )" src="http://blog.angelaangeles.com/wp-content/uploads/2008/04/urbandub_under_southern_lights.jpg" width="300" height="300" />


"Would you run away with me if it's tonight?

Leave everything behind. Come on, come on.

I've got you now."

[An Invitation]

- Pucha magpaagaw ka na kaseeeeee. Akin ka na laaaaang. Hahaha, loko lang ;p


"Sleepless nights when your memory consumed me.

But they all have been long gone."

[Anthem]

- Babay mga mapapait na alaala.


"I'm so much more than what you cared to see.

You drove me away.

Now I can move forward."

[Anthem]

- Yes, I've moved on. Di kita kawalan, kawalan mo ako. Wahahaha, bitter? ;p


"She's(He's) with someone new.

All hope is gone.

And since you're never gonna change,

I'll erase your taste and let you go slowly.

Suddenly I wasn't enough.

Your lust disguised as love."

[Guillotine]

- Pakasaya ka sa babae mo. Yeah. Lam ko namang puri ko lang ang habol mo sakin.

Well, sorry. Pakasal muna tayo. At asa ka namang mangyayari yun.


"Never thought love could come a second time.
Been wasting away,
Killing myself,
Closed all my doors.
I wasn't the same anymore.
Then you came along."

[Cebuana]

- Yes, you came along. Saved me from misery.


"I don't really care what people say,
Cuz they really don't know me anyway,
Cuz today is mine.
No troubles in my mind."

[Life is Easy]

- Oh ang taray noh? =))


"Caught you in the arms of another.

I've been dying everyday since then.

I found out about you."

[Evidence]

- Huli ka boy. Once a babaero, always a babaero.


"Is he(she) a better lover than I?"

[Evidence]

- Di naman tayo lovers in the first place diba?=)) Tanga ko lang eh. =))


"I need affection
Bring fire back to my tongue
Screaming addiction
From my blackened lungs"

[A Method to Chaos]

- Haha, this is what we call LUST. Tawag ng laman. =))

 

 

Love. Complicated yang bagay na yan. Yung romantic ha? Pero dun naman kasi nagsisimula lahat diba? Ba't ba nagggo-forth-and-multiply ang mga tao? Dahil sa pag-ibig. Pag-ibig na nakakaloka. Pag-ibig na kapag tinamaan ka, handa kang magpakatanga. Pag-ibig na pinagmulan ng lahat. Pero di sapat ang pag-ibig. Kaya nagkakagulo eh. Kasi binabase lang lahat sa simpleng pag-ibig na yan. Kailangan may trust. Kailangan may loyalty. Kailangan may COMMITMENT. Kailangan ng sincerity. Kailangan ng determination at kung anuano pang mga traits and virtues meron man sa mundo.

Ang pag-ibig, hindi yan parang de latang bubuksan mo lang at kakainin. Kailangan mong painitin. Para naman sumarap at mamatay ang bacteria hahaha =)). Kasi pag hindi. Aba eh, wala ganun parin. Depende naman yan sa sikmura ng kumakain. Eh kung araw-araw ba naman siya nagYayakult edi okay ang tiyan niya. Hehehe =)) Eto nanaman ako sa mga metaphors ko. Haha. Mas madaling maiintindihan kung ihahambing mo ang isang kumplikadong bagay sa simple. Anyways, going back to de lata. Kailangan at least may effort. Kailangan nag-iingat. Para okay ka ba tiyan, diba?

 





Inilathala ni jOoban sa ganap na 09:51 PM | apir?

October 13th, 2008

unfair

Unfair.

Ang unfair ng mundo noh?

May mga bagay na hindi mo deserve at may mga taong hindi deserving.

May mga tao lang talagang sadyang makapal yung mukha para maging insensitive sa mga taong naaapektuhan sa pinaggagagawa nila sa buhay nila.

Tulad ko,

tulad nila,

tulad nating lahat.

Yeah, rock on. Bato tayong lahat.

Haha, labo.

 

 

 

Inilathala ni jOoban sa ganap na 10:30 PM | apir?

August 23rd, 2008

IMY :)

I miss you.

I don't miss US but I miss YOU.

Haaay leche. Ampanget ng feeling pag may namimiss ka pero alam mong hindi ka naman namimiss nung taong namimiss mo. Haha. Assuming. Hindi naman sa inaassume ko na hindi niya ko namimiss. Hindi ko kasi madama eh. Alam mo yung feeling na dati may taling nagcoconnect sainyo pero ngayon naputol na? Ganun eh. Yung feeling kasi parang kandilang gusto mong sindihan pero mahirap kasi malakas yung hangin. Wahahahaha. Teka anlabo nun. Haii. Wala lang.

Hindi ko naman hinihiling na bumalik yung dati eh. Gusto lang kitang maging kaibigan ule. Kasi dun naman tayo nagsimula diba? Sana dun din tayo magtapos. Ang status kasi natin ngayon almost hindi na magkakilala eh. Hindi ko naman hinihiling na maging malaking parte ako ng buhay mo kasi alam ko namang isusumbat mo sakin na "bakit ako, may lugar pa ba ko sa buhay mo?". Sorry na. 

Tang ina kase mahal parin kita.

Mahalaga ka parin sakin. Gusto kong ipadama kaso tingin ko huli na. Masyado ka nang malayo. Masyado mo nang nilayo yung sarili mo sakin. Di naman kita masisisi eh. Kasalanan ko rin kasi.

May magagawa pa ba ko? Wala na siguro. Siguro hihintayin ko na lang yung panahon na magtatagpo na lang ule yung landas natin. Wa epek kasi pag ako yung lumapit eh. Tinamo, may napala ba ko? Wala.

 

One of the reasons why people hold on to memories so tight is because, memories are the only things that don't change when everything else does.

ETO MALUPET.

I believe the saddest thing in life is caring so much for someone and then one day, you look into their eyes and realize that their gone. All you see in front of you is a

stranger with just a known name.

Inilathala ni jOoban sa ganap na 01:20 PM | 2 ang umapir!:D

May 28th, 2008

There's no turning back.

Pucha, patayan 'tong pinasok ko.

Sa lahat ng mahal ko sa buhay, gusto ko lang malaman niyong buhay pa ko't humihinga. Kahit parang multo na ko dahil sa di pagpaparamdam, andito parin ako. Magsabi lang kayo pag kailangan niyo ko, wag lang from 6am-5pm every mondays to fridays. Hahahaha! Sabay ganun oh. Sa weekends lamunin niyo ko ng buo. Inyong inyo 'ko. Obligado lang talagang pumasok araw-araw.

Tol, kung nababasa mo man 'to. Sayo ko hinuhugot yung lakas ko. Isa ka sa mga dahilan kung bakit hindi ko parin 'to sinusuko. Salamat. Namimiss na kita, kung alam mo lang. Mahal na mahal kita, wag mong kakalimutan yun ah?


UUGH. Sorry talaga! Nakakastress. Hay. Kaya 'to! Naeexcite na 'kong maggraduate!!! 6 days na lang. 6 gademmn days!

Go CHARLIE! The best company in UST! :D

 

Inilathala ni jOoban sa ganap na 11:55 PM | apir?

May 19th, 2008

Aruy

Ayos training namin kanina, kumite. Sparring. Bugbugan. Kaya siyempre lahat kami naupakan. Lalo na yung mga matatangkad. Tsktsk. Ako, gusto ko yung nasasadista 'ko eh. Kaso iba yung kanina.

Masakit.

Buti sana kung physical pain lang eh, kaso hindi. Natamaan kasi ako nung napagalitan. Sabi dapat daw pag sinasaktan, mas nagagalit. Wag daw masyadong mabait. Kung gusto kong tumira, ituloy ko. So kasabay nung sakit ng upak, naisip ko kung gano 'ko kahina bilang tao.

Tss..

Haha. Takte naman oh, magdadrama na naman ba 'ko? Ayoko na. Nakakasawa. Haha. =))


Magkkwento na lang ako

Kinakabahan ako sa papasukin ko. Sasali kasi ako sa ROTC training for cadet officers. Aba, gumaganun?? Haha. Tsk, naku iitim ako LALO. Hahaha =)) Ok lang yan, black is beautiful. Goodluck na lang talaga sakin. Ok na rin 'to at least matututo na 'kong gumising ng maaga. Langya dapat nasa grandstand na kami ng alas otso ng umaga. Anong oras ako gigising non? 5? Garaaabe lang. Tas uwian namin alas dos na ng hapon. Ayos ah, medyo bonding kami nung araw. Goodluck lang talaga. Ok 'to. Baka dito ko na talaga matutunan yung tinatawag na Discipline. Ayun naman. Hehe.


The sand taught me one thing:

" You can't hold on to TOO MANY things, no matter what you do to make them stay. So learn to let go and choose carefully which you want to stay, because like the sand, only those which are at the center of your palm will LAST."

Inilathala ni jOoban sa ganap na 04:14 PM | 4 ang umapir!:D

May 15th, 2008

Emo?

727.gif752.gif740.gif

Sa loob ng isang araw, pinatay ko yung sarili ko. Binura ko yung existence ko sa mundong 'to.  Isang araw lang naman eh.  Para lang mailabas ko lahat ng sakit at hinanakit ko sa mundo.

Emo? subra.

Seryoso para talaga kong patay.

Magmula 9:30 kagabi nasa kwarto lang ako. Umiiyak, nagiisip, nakatulala. Ni hindi man lang ako nagtext, tumayo, bumangon para umihi o jumebs. Wala, literal na nakahiga lang ako sa kama ko. Sa isang buong araw, nagawa kong ibaon yung sarili ko sa poot. Ni hindi man lang ako kumain o naligo. Wala talaga.

Nag-alala pa nga yung pamilya ko kasi baka kung ano na nangyari sakin. Haha. Kala nila may sakit ako. Tinanong pa nga ko kung patay na ba ko eh. Wow.

Medyo kababangon ko pa nga lang eh. Kumain na rin ako. Tutal hindi ako nagdinner kagabi. Haii. Ansakit lang talaga. Emo na kung emo. Eh masakit eh. Wala na kong ibang paraan na naisip para matanggap yung sakit. Pero eto, hindi naman ako yung emo na naglalaslas. Walangya, nasasaktan ka na nga sasaktan mo pa lalo yung sarili mo. Parang tanga e noh?

Wala. I just hope for the best. I just hope that all this pain will be WORTH IT.

Tang ina maghihintay ako, sinasabi ko sayo.

Inilathala ni jOoban sa ganap na 09:24 PM | apir?

May 10th, 2008

Nagdrama ang lola mo

Sinulat ko to kagabi eh. Di ko lang napost :p

Teka nga..

Magdadrama lang ako.

Ang hirap pala pag hindi mo alam kung ano nangyayari sa mga mahal mo sa buhay eh, noh? Ang hirap pag sobrang namimiss mo na sila pero wala ka namang magawa.

Si ano, wala.

Ang tae ng araw na 'to para samin. Umagang umaga nawrong timing ako ng tawag. Maliligo na pala siya dapat. Tas kaninang hapon natutulog siya nung tumawag ako. Haha, istorbo eh noh? Pero naman, can you blame me? I just wanted to make him feel that I'm here. Nandito ako, yo. Ayun, wala lang. Gusto ko lang siyang madama.

Ok lang naman na gawin niya kung anong gusto niyang gawin sa buhay niya. Ayoko namang maging linta sa buhay niya na dapat katext ko siya palagi, kausap ko siya parati, kasama ko siya araw-araw. Kasi hindi naman yun nakukuha sa ganun eh. Ayokong manakal. Pero yun nga, kahit 5 minutes lang, padama niya saking mahal niya ko. Lalo na ngayon na nag-iba na yung level ng pagpapahalaga ko sa kaniya. Kumbaga e mas malalim na yung pagtingin ko.

Masaya na nga ko kasi kahit pano, di na kami parating nag-aaway. Kahit pano sana naman may pinagbago ako. Haii.. Wala lang.



Si mama.

Namimiss ko na si mama. Oo, isang linggo lang siya nawala pero namaaan. Nanay ko yun. Kahit di ko pinapakita ng lantaran, mahal na mahal ko yun. Excited na nga ko para sa Mother's day eh. Ano kayang pwedeng gawin?




Yung katambay ko nuon sa team.

Shet, yun miss na miss ko na talaga. Dati every training, kung sansan kami tumatambay. Nina Yuka, pto, and company. Kaya ayun, medyo nakakainggit yung mga labas labas nila. Kasi parang, wow. I could've been with them. Pero hinde. Masasabi ko ngang, I've missed out on a lot of things already. Ang hirap kasing magbalanse ng panahon para sa maraming tao. Lalo na yung pag nahati mo na yung oras mo pero para sa tao, hindi sapat yung ginagawa mo. Kasi nga HATI eh, diba? Yung full effort mo ang lumalabas nun, divided.




Yung barkada ko.

May mga labas labas naman kami. Tulad nung swimming. Pero parang naisip ko rin na malapit na kaming pumasok sa iba't ibang colleges. Lahat magkakalayo. Meron sa UP, sa ADMU at UST. Parang sheeet. Yung friends kooo. Iba parin pag sila Natatakot ako na baka mag-iba yung mga taotao. Pero kasi pag totoong kaibigan mo talaga tatanggapin mo kung ano man maging ugali nila eh. Pag mahal mo, walang conditions. Ika nga sa isang sonnet ni Shakespeare..

"Love is not love which alters when it alteration finds"

NAX. Sumosonnet.



Hay. Nakakaiyak. Andaming pumapasok sa isip ko. Minsan masarap ding magdrama. Napapaisip ka kung gano kahalaga yung mga tao sa buhay mo. Reflection ba? Haha. Parang retreat lang. Sana maging ok rin lahat. Sana talaga.

Inilathala ni jOoban sa ganap na 10:10 PM | 7 ang umapir!:D

May 5th, 2008

Malas

Alam mo yung malas? Ako yun eh.

Kung kelan excited ako sa mga gagawin 'ko, saka nagkakandalokoloko tong katawan ko.

Parang machine na nagmamalfunction. Nakakainis.

Una, bigla akong nagkaron ng period. Eh anak ng teteng, pag nagkakaron ako parang gripo sa lakas! Kaya sobrang nanghihina ako.

Pangalawa, may kuliti ata ako. Nakakainis kasi nung isang araw pa 'to. Binalita ko sa nanay ko pero inasar lang akong namboboso daw ako. WOW. Parang napagaling yung mata ko nun ah. Edi yun, kanina lang napatakan ng Eyemo na mageexpire na. Wow talaga.

Pangatlo, nahihilo ako! Hindi ko alam kung bakit. Buong araw nakong nagpapahinga pero wala paring epekto. Kinakain na ko ng kama ko wala parin akong napapala. Ayan tuloy nakatengga lang ako sa bahay. Dapat nagtraining ako kanina tas yeah. Pero wala. Nako naman oh.

Wala namang magawa dito sa bahay, kasi bawal ako magT.V. kasi masstrain yung mata ko. Actually bawal ako magcomputer eh. Pero ba't ba? Wala na nga kong magawa eh. Hindi na naman ako naglalaro ng o2jam dahil lalo lang ako mahihilo. Puro soundtrip na nga lang ginagawa ko dito eh. Nalulunod nako sa mga kanta. Ano pa ba pwedeng gawin? Magtelepono? Pwede, pwede. Kaso masama nga pakiramdam ko baka puro kabwisitan lang maikwento ko. Ayoko naman ng ganun. Gusto ko umalis, pumunta sa DUN. Gusto ko siyang makasama PERO masama pakiramdam ko. NAKAKAINIS TALAGA. RAR. rar. RAR. Nabuburat ako. Huhu. Sana pag natulog ako, ok nako pag gising ko.


Maiba lang bigla

Gumawa siya ng kanta

[ I'll wait for you too ]

Inilathala ni jOoban sa ganap na 03:34 PM | 2 ang umapir!:D

April 20th, 2008

Babad sa Chlorine

Summer na. Summer na summer na. Wala nakong ibang inatupag kundi lumangoy kung sansan eh. HAHA.

Nung di pa ko nakakagraduate, paswimming-swimming nako.

Eto una..

Walang hiyang nguso yan.

" src="http://images.superjuvan.multiply.com/image/2/photos/54/500x500/160/P3181610.JPG?et=xhbHS5GML%2Cz6hPzAYlDB1Q&nmid=86982405" height="375" width="500" />

Kasama ko yung barkada ko, kaso kulang kami. Medyo confident kami nun kasi solo namin yung pool tas gabi pa. Walang makakakita sa kung ano mang kalokohan ang maaari naming gawin. Hahaha.


Eto sunod.

" src="http://images.superjuvan.multiply.com/image/6/photos/63/500x500/80/DSC02096.JPG?et=Qb6DhJwPIf86Amv%2Cm6CCgg&nmid=90517897" height="375" width="500" />

Ayos ba? Na-late pa kami sa graduation practice niyan. Talaga namang mas pinili pang lumangoy eh.


Eto pangatlo.

Medyo hinarass lang ako dito eh noh? HAHAHA. Pinipilit kasi akong lumangoy na. Aba bakita ba? Ayoko pa! Haha. Mataray?


Eto last.

Medyo feeling ANTM lang eh noh?


Ayun, di naman talaga marami yung palangoylangoy ko. Naaliw lang ako sapagkat di naman ako ganito pag summer. Dati kinukulong lang ako sa bahay. Okaya halos tumira na ko sa bahay ng kapitbahay namin. Hahahaha. Tsaka isa pa, hindi naman ako makakalangoy sa dagat. Ganun sana trip ko eh, magbeach. Kaso di naman ako papayagan. Inaaya nga ako eh. Sus, hindi pa ko nagpapaalam hihindi agad yung nanay ko. Grabe lang. Ilan taon na ba ko? Mageeighteen na nga ko next year eh. Tas hindi parin ako pinapayagan mag-overnight. Sus! Kahit sa bahay na ng kapitbahay ayaw pa. Ang arte. Para namang mamamatay ako nun. Haynako. Ewan ko na.

Papayagan siguro 'ko pag lola na ko. Aynako.


HOST: Ilantaon na kayo, lo? Mananawagan ho ba kayo?

LOLO: Opo, 98 na po.

HOST: wow, antanda niyo na pala, sige manawagan na kayo.

LOLO: Kuya, umuwi ka na daw. Di na galit si daddy sayo!


HAHAHA XD

 

Inilathala ni jOoban sa ganap na 05:44 PM | apir?

« Newer | »
site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links

*HUGS* TOTAL!give superjuvan more *HUGS*
Get hugs of your own