Petix :)

May 10th, 2008

Nagdrama ang lola mo

Sinulat ko to kagabi eh. Di ko lang napost :p

Teka nga..

Magdadrama lang ako.

Ang hirap pala pag hindi mo alam kung ano nangyayari sa mga mahal mo sa buhay eh, noh? Ang hirap pag sobrang namimiss mo na sila pero wala ka namang magawa.

Si ano, wala.

Ang tae ng araw na 'to para samin. Umagang umaga nawrong timing ako ng tawag. Maliligo na pala siya dapat. Tas kaninang hapon natutulog siya nung tumawag ako. Haha, istorbo eh noh? Pero naman, can you blame me? I just wanted to make him feel that I'm here. Nandito ako, yo. Ayun, wala lang. Gusto ko lang siyang madama.

Ok lang naman na gawin niya kung anong gusto niyang gawin sa buhay niya. Ayoko namang maging linta sa buhay niya na dapat katext ko siya palagi, kausap ko siya parati, kasama ko siya araw-araw. Kasi hindi naman yun nakukuha sa ganun eh. Ayokong manakal. Pero yun nga, kahit 5 minutes lang, padama niya saking mahal niya ko. Lalo na ngayon na nag-iba na yung level ng pagpapahalaga ko sa kaniya. Kumbaga e mas malalim na yung pagtingin ko.

Masaya na nga ko kasi kahit pano, di na kami parating nag-aaway. Kahit pano sana naman may pinagbago ako. Haii.. Wala lang.



Si mama.

Namimiss ko na si mama. Oo, isang linggo lang siya nawala pero namaaan. Nanay ko yun. Kahit di ko pinapakita ng lantaran, mahal na mahal ko yun. Excited na nga ko para sa Mother's day eh. Ano kayang pwedeng gawin?




Yung katambay ko nuon sa team.

Shet, yun miss na miss ko na talaga. Dati every training, kung sansan kami tumatambay. Nina Yuka, pto, and company. Kaya ayun, medyo nakakainggit yung mga labas labas nila. Kasi parang, wow. I could've been with them. Pero hinde. Masasabi ko ngang, I've missed out on a lot of things already. Ang hirap kasing magbalanse ng panahon para sa maraming tao. Lalo na yung pag nahati mo na yung oras mo pero para sa tao, hindi sapat yung ginagawa mo. Kasi nga HATI eh, diba? Yung full effort mo ang lumalabas nun, divided.




Yung barkada ko.

May mga labas labas naman kami. Tulad nung swimming. Pero parang naisip ko rin na malapit na kaming pumasok sa iba't ibang colleges. Lahat magkakalayo. Meron sa UP, sa ADMU at UST. Parang sheeet. Yung friends kooo. Iba parin pag sila Natatakot ako na baka mag-iba yung mga taotao. Pero kasi pag totoong kaibigan mo talaga tatanggapin mo kung ano man maging ugali nila eh. Pag mahal mo, walang conditions. Ika nga sa isang sonnet ni Shakespeare..

"Love is not love which alters when it alteration finds"

NAX. Sumosonnet.



Hay. Nakakaiyak. Andaming pumapasok sa isip ko. Minsan masarap ding magdrama. Napapaisip ka kung gano kahalaga yung mga tao sa buhay mo. Reflection ba? Haha. Parang retreat lang. Sana maging ok rin lahat. Sana talaga.

Inilathala ni jOoban sa ganap na 10:10 PM | 7 ang umapir!:D

Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



secret :D (guest)

Comment posted on May 12th, 2008 at 01:18 AM
At sino naman sa tingin mo ako? Abeeerrrrr? Di ko nga maisip dibaaaa?! :)) Pano ko masasagot tanong mo nyan.
Comment posted on May 12th, 2008 at 10:40 PM
Sino pa ba? Stalker kita eh :)) Wag na wag mong i-dedeny yan. :)) Eh isipin mo. Haha.

pto (guest)

Comment posted on May 11th, 2008 at 01:10 AM
mamee!!

<katambay sa team>
- oo nga eh! bigla ka na lng nawawala! nasaan ka na ba?! namimiss na rin kta!!

<barkada>
- chaleynge lng ito! magkikita rin tayo!.. .sa ym =)) hindi. gagawa rin tayo ng paraan! haha!

ganda ng pakaedit sa mga picturess ah. panakaw :)
Comment posted on May 11th, 2008 at 03:02 PM
dadeee!!

Eh andami ko kasing pinagkakaabalahan eh. Sorry. Yung mga labas labas kasi natin kung kelan lang natin feel, gagawin natin eh. Ang humahadlang sakin ngayon yung mga planadong labas. Gets? Bale, di na ko ganun ka-libre. Yuck kala mo kung sinong hectic eh noh? Hahahaha =))
Ayun, sorry. Kaya nga babawi ako dun sa Baguio chenes. :)

Yung sa barkada naman. Oo, chaleynge ito ng malupet! Haha!goodluck satin! Iba parin talaga pag magkakasama tayong solid. Hayyy :( Mamimiss ko talaga kayo.

Haha, salamat! Medyo natripan kong mag-Adobe. :) Yeah! Haha. Sure, nakaw lang :)

pto (guest)

Comment posted on May 13th, 2008 at 11:56 PM
oo nga eh. puro biglaan. haha!

hala di na nga daw magBabaguio eh... if ever meron mang baguio hindi na rin ako ppnta... bka manigas ako dun. hahhaahah!

secret :D (guest)

Comment posted on May 10th, 2008 at 11:04 PM
May kamukha ka. Di ko lang maisip kung sino =)) weeeee.
Comment posted on May 10th, 2008 at 11:22 PM
May nalalaman ka pang pa-secretsecret jan eh kilala naman kita! : ))
Oh, sino na naman yung kamukha ko?
site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links

*HUGS* TOTAL!give superjuvan more *HUGS*
Get hugs of your own