Emo?



Sa loob ng isang araw, pinatay ko yung sarili ko. Binura ko yung existence ko sa mundong 'to. Isang araw lang naman eh. Para lang mailabas ko lahat ng sakit at hinanakit ko sa mundo.
Emo? subra.
Seryoso para talaga kong patay.
Magmula 9:30 kagabi nasa kwarto lang ako. Umiiyak, nagiisip, nakatulala. Ni hindi man lang ako nagtext, tumayo, bumangon para umihi o jumebs. Wala, literal na nakahiga lang ako sa kama ko. Sa isang buong araw, nagawa kong ibaon yung sarili ko sa poot. Ni hindi man lang ako kumain o naligo. Wala talaga.
Nag-alala pa nga yung pamilya ko kasi baka kung ano na nangyari sakin. Haha. Kala nila may sakit ako. Tinanong pa nga ko kung patay na ba ko eh. Wow.
Medyo kababangon ko pa nga lang eh. Kumain na rin ako. Tutal hindi ako nagdinner kagabi. Haii. Ansakit lang talaga. Emo na kung emo. Eh masakit eh. Wala na kong ibang paraan na naisip para matanggap yung sakit. Pero eto, hindi naman ako yung emo na naglalaslas. Walangya, nasasaktan ka na nga sasaktan mo pa lalo yung sarili mo. Parang tanga e noh?
Wala. I just hope for the best. I just hope that all this pain will be WORTH IT.
Tang ina maghihintay ako, sinasabi ko sayo.
Nakikinig sa: You don;t have to call-Usher
Si Juvy ay: wasted
Inilathala ni jOoban sa ganap na 09:24 PM | apir?

